Filipino sa ibang bansa…

Nakakatuwa naman isipin na halos lahat ng sulok ng daigdig eh maraming pilipino na nagtatrabaho (OCW). Mapa-america, Spain, Paris, China, Hong kong, Singapore at pati magulong lugar kagaya ng Iraq ay meron din pilipino. Bakit nga ba? Naitanong ko din yan sa sarili ko dahil isa na rin ako sa mga nabanggit ko. Nuon bata pa ako lagi ko sinasabi sa sarili ko na di ako mag aabroad para mag trabaho sa ibang bansa..Na realize ko lang may dahilan pala kung bakit iba sa ating mga pilipino ay kahit masakit man sa loob nila ang mangibang bansa pikit mata pa rin nila iraraos ang mahirap na buhay. Ang lingid sa kaalaman ng ating mga kababayan sa pilipinas na porque nagtatrabaho na sa abroad eh maginhawa na ang buhay. Maaari un ibang pilipino sinuwerte  pero mas marami ang hindi swerte. Kagaya ng mga Domestic helper natin sa Asia..May maririnig or mapapanuod tayo sa balita na minaltratong DH or ni-reyp ng kanilang amo. Ganun din ang mga kababayan natin na pilipino na nagtatrabaho sa gitnang silangan. Kadalasan, hindi tinutupad ang napagka sunduan sahod ng kanilang amo, or ginigipit sila…hanggang kailang kaya matutugunan ng ating pamahalaan ang ganitong sulurinin ng ating kapwa pilipino. Minsan nainis ako sa napanuod ko sa balita na ayon sa ating gobyerno na mas palalawigin pa nila ang OFW lalong-lalo na ang Domestic helper. nag react ako sa harap ng TV namin at inilabas un galit sa gobyerno. Gusto ko sabihin sa kanila na wala na ba kayo plata porma bukod sa amin OFW? Wala ba kau balak na umasensyo ang pilipinas di dahil sa buwis na kinukuha mula sa mangagawang pilipino? Wala ba kau balak na gumawa ng isang produkto na makikilala ang pilipinas at yayaman dahil dito sa produkto? Kagaya ng langis ng middle east..
Hindi major source income ng middle east ang buwis mula sa trabahador nila. Hanggang kailan tayo maghihirap..Hanggang kailan magtatrabaho ang mga pilipino sa ibang bansa..hanggang kailan…

One Comment

  1. 1
    mrloo Says:

    Hi to all the OFW’s who visit this blog, I’d like to invite you to join the new social network of the Overseas Filipino Workers at http://www.ofwfriends.com.

    See you there!


RSS Feed for this entry

Leave a Comment